Select Page

Babawi sa Asiad Boxing ang 8 Bata nina Vargas at Picson

by | Aug 17, 2018 | Featured | 0 comments

BUBUWELTA ang 8 bataan nina Association of Boxing Alliances in the Philippines president Victorico ‘Ricky’ Vargas at secretary general Edgar Genaro ‘Ed’ Piczon upang muling makapag-uwi ng gold medal sa pagbanat sa 18th Asian Games 2018 sa Agosto 18-Setyembre 2 sa Jakarta-Palembang, Indonesia.

Naka 0-1-3 gold-silver-bronze na naiuwi ang Flipino pugilists mula sa huling edisyon ng tuwing apat na taong palaro noong 2014 sa Incheon, South Korea tapos maka-1-1-1 nung 1990 sa Guangzho, China.

Gagalamay sa team si Nesthy Petecio, 26, ng Sta. Cruz, Davao del Sur at sasabak sa women’s 57-kilogram, naka-4 ng gold medal siya sa taong ito sa gayung daming nilahukang mga torneo sa labas ng bansa.

Kumopo ang Jeju 2014 world silver winner ng mga tagumpay sa Indonesia noong Hulyo, sa Russia noong Mayo, sa Poland nung Marso at sa India nung Pebrero.

Si Irich Magno na uupak sa 51kg. ang nabuo sa female squad na ang chief backer ay si Manuel Pangilinan.

Bumubuo sa men’s team sina Carlo Paalam (49kg), Rogen Ladon (52kg), Mario Fernandez (56kg), ▪️James Palicte (60kg), Joel Bacho (69kg), at Eumir Felix Marcial (75kg).

Ang mga naka-medalya sa Inchen Asiad ay sina Charly Suarez sa men’s flyweight, Mark Anthony Barriga sa light flyweight, Wilfredo Lopez sa middleweight at Mario Fernandez sa bantamweight.

Inalat doon si Petecio na nakipag-umbagan sa 60kg.

Nagposte ng best finish ang Pinoy mga pug sa AG nang mag-team champion noong 1954 sa Maynila sa 5-1-1 at sa 1994 Hirsohima sa 3-0-2, samantalang ang worst finish ay ang 0-0-1 sa 1998 Bangkok.

Ang mga tinapos pa ng ng PHL boxers: 0-1-1 sa 1958 Tokyo, 1-0-3 sa 1962 Jakarta, 1-0-3 sa 1966 Bangkok, 1-1-3 sa 1970 Bangkok, 0-0-2 sa 1974 Tehran, 0-1-0 sa 1978 Bangkok, 0-1-2 sa New Delhi, 0-1-2 sa 1986 Seoul, 1-0-3 sa 1990 Bejing, 0-1-0 sa 2002 Busan, at 2-0-2 sa 2006 Doha.

Sapul nang maging medal sports sa pangalawang edisyon ng Asiad, may 33 na bansa na ang nakapasok sa medal table kung saan nasa 5th spot ang PH sa 15-9-29. Uno-dos-tres ang South Korea na naka-58-25-30, Thailand na mayroong 20-22-26 at Kazakhstan na may 16-11-12. (Ramil Cruz)