Select Page

4 na Bata ni Vargas, Nagrasyahan sa Thailand

by | Jul 19, 2018 | Featured, News | 0 comments

BUMUNTAL ang anim-katao pambansang koponang lalaki sa boksing ng Pilipinas ng 1 gold, 1 silver at 2 bronze medal sa ginanap noong Hunyo 30-Hulyo 6 na 1st Thailand Open International Boxing Tournament 2018 (dating Thailand King’s Cup) sa Huamark Indoor Stadium sa Bangkok, Thailand.

Namuno sa atake ng mga bata nina Philippine Olympic Committee/Association of Boxing of Boxing Alliances in the Philippines president Victorico Vargas at POC communications director/ABAP secretary general Edgar Genaro Picson, si Carlo Paalam na niligtas sa muntik na pagkabokya sa gold ang Filipino boxers.

Dinismantel ni Carlo Paalam, 20, ng Cagayan de Oro City, sa finals si Ahmadisafa Omid ng Iran sa men’s light flyweight (46-49k-kilogram) finals bout, 5-0, sa 163-boksingero, 33 bansa, 1-linggong torneo na naging isang pampalabok sa pagkorona sa bagong hari ng bansa na si Maha Vajiralongkorn, o King Rama X.

Carlo-Paalam-ABAP

NAKASABIT sa leeg ni Carlo Paalam (nakalagay ang kamay sa dibdib) ang kanyang gold medal habang tinutugtog ang pambansang awit ng Pilipinas na Lupang Hinirang sa awarding ceremonies ng 1st Thailand Open International Boxing Tournament 2018 (dating Thailand King’s Cup) na ginanap noong Hunyo 30-Hulyo 6 sa Huamark Indoor Stadium sa Bangkok, Thailand.

Patungo sa tagumpay na may kalakip na US$1,500 (o ₱80,000), pinagdedemolis din ni Paalam sina Tu Po-Wei ng Chinese Taipei sa semifinals, 4-1, Thai pug Samak Saehan sa quarterfinals, 5-0, at Ryusei Matsumoto ng Japan sa Round-of-16, 5-0. Bye siya sa last 32.

Nabiyayaan si James Palicte ng $750 (₱40,000) sa silver finish sa men’s lightweight (60kg) habang may grasyang tig-$500 (₱26,000) sa pagkopo ng bronze sina Marvin Tabamo sa men’s flyweight (52) at Sugar rey Oacana sa men’s lightwelterweight (64).

At may $100 each naman sina Mario Fernandez sa men’s bantamweight (54) at Joel Bacho sa men’s welterweight (69kg) kahit natalo sa Last 16.

Sa pagsalo sa segunda’t tersera sa team standings, may dagdag pang $6,500 (P349,000) ang boksingerong Pilipino. (Ramil Cruz)